Custom Search

Monday, May 5, 2008

Pancit Sotanghon

MGA SANGKAP;

8 tasang tubig
¼ kilong baboy
¼ kilong pecho ng manok
1 tasang hipon
1 kutsaritang pamintang durog
5 ulo ng bawang, pinitpit
½ kilong sotanghon
1 katamtaman laking sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ kilong hipon
3 tasang repolyo
1 tasang carrots, hiniwa ng pahaba
¼ tasang oyster sauce
1/3 tasang
toyoasin, paminta

PARAAN;

Ibabad sa tubig ang sotanghon upang ito'y lumambot. Pakuluan ang baboy at manok sa tubig na tinimplahan ng bawang, paminta at asin. Pakuluan hanggang lumambot ang karne at hiwain ng maninipis na pahaba, Ilagay sa isang tabi. Sa isang malaking kawali, igisa ang bawang, sibuyas at idagdag ang baboy,manok at hipon. Timplahan ng paminta.idagdag ang repolyo at carrots. Huwag dagdagan ng tubig ilagay ang sotanghon. Ibuhos na ang pinagpakuluan ng baboy at manok at pakuluan hanggang maluto ang pansit. Timplahan ng oyster sauce at toyo. Ihain ng may kalamansi sa tabi.

No comments:

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -