MGA SANGKAP;
1 kilong pisngi ng baboy
2 tasang tubig
1 tasang pineapple juice
1 kutsaritang pamintang buo
6 pirasong atay ng manok
1 tasang sibuyas, hiniwa-hiwa
½ tasang sukang paombong
¼ tasang calamansi juice
5-6 siling labuyo (seeded and chopped)
asin, paminta
PARAAN;
Pakuluan ang pisngi ng baboy sa pineapple juice, tubig at pamintang buo hanggang sa ito'y lumambot. Hanguin at ilagay sa isang tabi upang lumamig. Alisin ang laman ng baboy mula sa pisngi. Tuhugin sa barbecue stick ang pisngi at atay ng manok. Ihawin sa ibabaw ng uling hanggang sa lumutong ang balat nito. Hiwa-hiwain ang inihaw na pisngi at atay at ilagay sa isang mangkok. Ilagay ang sibuyas at timplahan ng suka, calamansi juice, siling labuyo, asin at paminta.
Monday, May 5, 2008
Sisig
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment