MGA SANGKAP;
1 kilong manok, hiniwa ng katamtamang laki
1 lata ng liver spread
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 tasang corn oil
1 siling pula, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
2 chicken buillion cube na tinunaw sa 2 tasang mainit na tubig
½ tasang biskotso (bread crumbs)
PARAAN;
Bahagyang prituhin ang manok. Igisa ang bawang at sibuyas. Ibuhos ang sabaw ng buillion. Hayaang kumulo hanggang lumambot ang manok. Idagdag ang liver spread at tomato sauce. Isunod ang siling pula. Kapag naluto na ang lahat ng sangkap,lagyan ng biskotso at timplahan ng naaayon sa panlasa.ihain habang mainit.
Monday, May 5, 2008
Kalderetang Manok
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment