MGA SANGKAP;
2 Kilong laman ng kambing
1 tasang suka
1 tasang toyo
½ tasang mantika1
½ tasang tomato sauce
¼ tasang pineapple juice
1 tasang tubig
6 pirasong sibuyas,tinadtad
2 pirasong dahon ng laurel
2 kutsaritang pamintang durog
1 balot oregano
¾ tasang gin o whisky
2 lata ng liver spread
2 pirasong siling berde, hiniwang pahaba
2 pirasong siling pula, hiniwang pahaba
10 piraso olives
½ tasang pickle relish
3-4 piraso siling labuyo
½ keso, ginayat
PARAAN;
Sa isang bowl, ibabad ang laman ng kambing sa suka sa loob ng 30 minuto. Para maalis ang anggo. Lamasin ng mabuti at itapon ang suka. Ibabad uli ang kambing sa toyo, bawang at paminta sa loob na 1 oras. Salain at ilagay sa isang tabi ang pinagbabaran. Prituhin ng bahagya ang laman. Ilagay sa isang tabi. Sa isang kaldero, igisa ang sibuyas at ilagay ang kambing, ang pinagbabaran nito ay toyo. Ilagay ang tomato sauce, tubig,gin o whisky, pineapple juice, oregano at laurel. Pakuluin hanggang ang laman ay lumambot, idagdag ang liver spread, Siling pula at berde, olives, pickles, keso, paminta at siling labuyo. Timplahan ng asin ayon sa panlasa
Monday, May 5, 2008
Kalderetang Kambing
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment