Custom Search

Monday, May 5, 2008

Paella

MGA SANGKAP;

1 malaking manok, hiniwa ng katamtamang laki
1 tasang olive oil
¼ kilong chorizo de bilbao, hiniwa-hiwa
1 ulo ng bawang, pinitpit
2 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 maliit na lata ng tomato paste
1 kutsaritang paprika
3 tasang bigas
2 malaking alimasag, pinakuluan at hiniwa sa apat na bahagi
6 sugpo, pinakuluan
25 pirasong tahong, pinakuluan sa
7 tasang tubig
7 tasang tubig (pinagpakuluan ng tahong)
1 latang gisantas, sinala ang tubig
2 pirasong siling pula at berde hiniwa sa 8 bahagi
asin paminta betsin

PARAAN;
Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang sa natirang mantika. Idagdag ang sibuyas, chorizo de bilbao at manok. Ilagay ang tomato sauce, tomato paste, paprika siling pula at berde. At ang pinagpakuluan ng tahong. Idagdag ang bigas na parang sinaing. Hintaying maluto ang bigas at matuyuan ng bahagya. Ilagay ang sugpo, alimasag, tahong, at gisantes. Takpan at hintaying maluto sa mahinang apoy. Timplahan ng asin, paminta at betsin. Ihain habang mainit.

No comments:

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -