Mga Sangkap:
½ kilong toge
1 puswelong hipong maliliit
1 itlog
3 tokwa, hiniwa ng pahaba
achuete, betsin
Paraan;
Tunawin ang cornstarch o arina sa kaunting tubig na may atsuete at batihing kasama ng itlog. timplahan ng kaunting asin. Banlian ang toge. Ilagay sa platito ang kaunting toge, ipaibabaw ang hipong binanlian at tokwa. Buhusan ng 3 kutsarang tinunaw na cornstarch o arina. Iprito ng lubog sa mantika. Ihain ng mainit, kasama ang sawsawang suka, pinitpit na bawang asin at paminta
Monday, May 5, 2008
Okoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment