Mga Sangkap:
1 manok
1 kilong karne
5 ulong bawang
1 tasang suka
kaunting paminta
kapirasong dilaw gata ng isang niyog
Paraan;
Gayatin ang manok at karne ng mga dalawang dali ang laki. Ilalagay ang bawang at ihahalong mabuti sa manok at karne; ilagay ang suka, dilaw, at paminta. Isasalang ang manok at karne hanggang sa maluto. Kukudkurin ang niyog at gagayatin; ang isang tasang gata ay husto na. isasahog ang isang tasang gata at lutuin hanggang maglangis- langis ang gata.
Monday, May 5, 2008
Manok adobo sa gata
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment