Mga Sangkap:
1 tasang monggo
1 platitong dahong mura ng ampalaya o amargoso
3 kamatis na hinog
2 butil na bawang
2 kutsarang mantika
katamtamang asin
Paraan;
Sa isang kaserola na may isa at kalahating basong tubig ay ilalaga ang monggo hanggang sa lumambot. Magisa ng bawang hanggang sa bumango, at saka lalahukan ng kaunting hipon upang sumarap ng kaunti. Sunod na ilalahok ang monggong malambot o luto na at liligising mabuti hanggang sa lumapot ang sabaw. Katapus-tapusan ay ilalahok ang dahon ng ampalaya o amargoso na binudburan ng kaunting asin, at huwag hahaluin, kundi kung luto na, sapagka't papait ang lasa.
Monday, May 5, 2008
Mungo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment