Custom Search

Monday, May 5, 2008

Menudo

MGA SANGKAP;

½ kilong baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 tasang atay ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 kutsarang mantika
2 kutsaritang katas ng achuete
1 kutsaritang bawang, tinadtad
1/3 tasang sibuyas, tinadtad
½ tasang kamatis, tinadtad
2 kutsarang pasas (raisin)
2 katamtaman laking patatas, hiniwang tig-1/2 pulgada
2 kutsaritang asin, 1/8 kutsaritang paminta

PARAAN;

Ilagay ang achuete sa isang mangkok. Lagyan ng 1/3 tasang tubig at haluing maigi hanggang lumabas ang pula na achuete. Salain at itapon ang butyl ng achuete. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang baboy at lutuin hanggang lumambot ang baboy. Idagdag ang patatas at lagyan ng tubig. Idagdag ang atay kapag lumambot na ang patatas. Timplahan ng ayon sa panlasa.

No comments:

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -