MGA SANGKAP;
1 kilong baka, hiniwa ng pira-piraso
4 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa-hiwa
2 patatas, hiniwa sa apat na bahagi
1 carrots, hiniwa ng pakuwadrado
2 kutsaritang lemon juice o calamansi juice
2 kutsaritang toyo
1 tasang tomato sauce
1 pirasong dahon ng laurel
asin, pamintang buo
mainit na tubigmantika
PARAAN;
Kapag bumili ng baka, piliin ang laman ng baka na may kaunting litid. Prituhin ang baka ng bahagya. Ilagay sa isang tabi. Sa natirang mantika, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang lemon o calamansi juice,toyo, paminta, tomato sauce, laurel at asin. Pakuluin sa mahinang apoy. Hintaying lumambot ang karne bago idagdag ang patatas at carrots. Maari ng ihain kapag naluto na ang patatas at carrots. Mas mainam na lutuin sa mahinang apoy ang baka upang lumabas ang katas nito para sumarap ang mechado.
Monday, May 5, 2008
Mechado
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment