Custom Search

Monday, May 5, 2008

Lumpia na may kamote

MGA SANGKAP;

1 tasang baboy, hiniwa ng maliliit
6 kutsaritang mantika na galling sa taba ng baboy
3 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, hiniwa-hiwa
½ tasang tokwa, hiniwa ng maliliit na kuwadrado
1 tasang hipon, binalatan
1 tasang sitaw, hiniwa ng tig-1 pulgada
1 tasang repolyo, ginayat
1 tasang kamote, hiniwa ng tig-1 pulgada kuwadrado
1 tangkay ng celery, tinadtad
20 lumpia wrapper, asin

PARAAN;Pakuluan ang baboy sa tubig sa isang kaldero hanggang lumabas ang mantika nito. Hanguin ang baboy at patuluin. Sa isang kawali, ilagay ang mantika na galling sa taba ng baboy. Igisa ang bawang, sibuyas at tokwa kasama ang baboy. Idagdag ang hipon, sitaw, repolyo, kamote at kaunting tubig. Timplahan ng asin at lutuin sa mahinang apoy.isantabi at palamigin. Palamutian ng celery sa ibabaw.

SARSA PARA SA LUMPIA;
6 kutsaritang cornstarch
1 tasang tubig
½ tasang toyo
½ tasang asukal na pula

PARAAN;

Ilagay sa isang maliit na kaserola ang mga sangkap. Palaputin ang sarsa sa pamamagitan ng paghalo nito sa mahinang apoy. Alisin sa kalan at palamigin bago ibuhos sa lumpia.

No comments:

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -