Mga Sangkap:
¼ na kilong karneng baboy
¼ na kilong hipon
2 pirasong tokwa
½ kilong repolyo
2 singkamas
20 balat ng lumpiya
1 sibuyas
1 kamatis
2 butil na bawang
2 puno ng letsugas
Paraan;
Gayatin ng maliliit ang repolyo at singkamas, hiwang panggisa naman ang gawin sa karneng baboy at tokwa. Balatan ang hipon. Dikdikin ang balat ng hipon at katasin sa ½ tasang tubig. Prituhin ang tokwa. Kapag mapula na'y itabi. Igisa sa pinagprituhan ang bawang, sibuyas, kamatis at isunod ang karneng baboy. Timplahan ng kaunting patis at tubig, pakuluan ng ilang sandali upang lumambot ang karneng baboy. Ihulog ang hipon at isunod ang katas nito. Haluin habang hindi pa kumukulo. Pagkulo'y ihulog ang repolyo at singkamas, hindi dapat na maging lutung-luto ang mga ito. Papulahin sa pamamagitan ng kaunting katas ng atsuwete. Hanguin kapag luto na palamigin bagi balutin sa balat ng lumpiya. Isama sa pagbabalot ang dahon ng letsugas.
Monday, May 5, 2008
Lumpiang Sariwa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment