Custom Search

Monday, May 5, 2008

Pancit Canton

MGA SANGKAP;

1 buong manok, (hiniwa ng pira-piraso at pinakuluan sa isang kaserolana mayroong tubig;isantabi ang pinagpakuluan nito.)
2 tangkay ng celery, pamintang buo
¼ kilong baboy,hiniwa ng maninipis na pahaba.
1 tasang hipon, binalatan
1 latang mushrooms
1 latang chestnut
½ ulo ng pechay o ½ ulo ng repolyo, hiniwa ng pahaba
1 pirasong carrot,hiniwa ng pabilog
¼ kilong tahong o scallops (pwedeng wala)
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
1 o 2 balot ng pansit canton, dahon ng sibuyas
1 lemon, hiniwa-hiwa (pwedeng wala)
toyo, patis, asin, pamintang durog, mantika.

PARAAN;

Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang manok at baboy. Lutuin hanggang sa pumula ang baboy at lumabas ang mantika nito. Idagdag ang kalahati ng sabaw ng pinakulong manok. Pakuluan ng 3 minuto. Idagdag ang asin, toyo at patis para lumasa. Lagyan ng pamintang durog. Pakuluan muli ng 3 minuto. Idagdag ang hipon, mushrooms, carrots at iba pang mga sangkap maliban sa pancit. Muling pakuluan ng 3 minuto. Idagdag ang natitirang sabaw ng manok. Timplahan ng naayon sa panlasa. Idagdag ang pansit. Haluin maigi hanggang maluto ang pansit. Palamutian ng dahon ng sibuyas. Kung nanaisin, maaaring dagdagan ng Chinese chorizo o squid balls ang pansit upang ito'y magkaroon ng ibang lasa.

No comments:

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -