Custom Search

Sunday, May 4, 2008

Crispy Pata

MGA SANGKAP;

1 pata ng baboy
1 bote 7-up or sprite
1 ½ tasang tubig
1 kutsarang asin
½ kutsaritang baking soda
1 kutsaritang betsin
2 kutsarang patis
2 kutsarang arinamantika

PARAAN;

Hugasan maigi ang pata ng baboy at ilagay sa isang kalderong puno ng tubig. Takpan ito ng mahigpit. Lagyan ng tubig, 7-up at asinPakuluin ng 15 minuto. Dagdagan ng baking soda. Ang baking soda ay ang magpapalambot ng balat ng pata. Ipagpatuloy ang paglaga.Kapag natutuyuan ang pata, dagdagan ito ng tubig. Mas mabuti kung hindi masyado lumambot ang pata. Hanguin at patuluin ng 1 araw or ilagay sa refrigerator magdamag upang matuyuan ang balat ng pata. Bago iprito, pahiran ng patis at wisikan ng arina ang pata. Iprito ng lubog sa mantika hanggang mamula ang pata. Patayin ang apoy at maingat na buhusan ng ¼ tasa ng tubig ang lutong pata. Sa ganitong paraan,mas magiging malutong ang balat ng pata,ihaing kasama ang sawsawan.

SAWSAWAN PARA SA CRISPY PATA

MGA SANGKAP;

Suka2 ulo ng bawang
asin
paminta
siling labuyo

PARAAN;

Maghalo ng suka, 2 ulo ng bawang, kaunting asin, paminta at 1 maliit na siling labuyo.

No comments:

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -