Custom Search

Tuesday, May 20, 2008

How To Make Methamphetamine (Crank)

Hahaha!!!! If only i knew how to do it..............Damnnnnn


Do You Know?

Wednesday, May 7, 2008

Tapa

MGA SANGKAP;

1 kilong baka (piliin ang parte na pang-tapa)
¼ tasang toyo
¼ tasang 7-up o sprite
3 kutsarang katas ng kalamansi
pamintang durog asin

PARAAN;

Hiwain ng manipis ang baka. Sa 1 lalagyang plastic, ibabad ang karne sa mga sangkap ng 2 araw. Kung lulutuin na, magpainit ng mantika sa kawali sa pamamagitan ng mahinang apoy. Iprito ang baka masarap na iulam ang tapa sa sinangag.

TAPA-2

Mga sangkap:

1 kilong baka (piliin ang parte na pang tapa)
1/4 tasang tuyo
1/4 tasang 7up o sprite3 kutsarang katas ng kalamansi
Pamintang durogasin

Paraan:

Hiwaain ng manipis ang baka sa isang lalagyan, ibabad ang karne sa mga sangkap ng 2 araw. Kung lulutuin na, magpainit ng mantika sa kawali sa pamamagitan ng mahinang apoy. Iprito ang baka.

Monday, May 5, 2008

Spaghetti

MGA SANGKAP;
1 kilo ng spaghetti noodles
1 kilo giniling na laman ng baka
2 tasang hotdog (hiniwa ng iba't ibang hugis)
1 malaking pakete ng spaghetti sauce (sweet style)
1 bote tomato catsup
5 butil ng bawang, dinikdik
1 sibuyas, hiniwa-hiwa kalahating bareta ng margarine
½ tasa ng keso, ginayat asin,paminta, asukal

PARAAN;

Lutuin ang spaghetti noodles ng ayon sa nakasulat sa pakete. Salain at ilagay sa isang tabi. Sa isang kawali, tunawin ang margarine. Igisa dito ang bawang at sibuyas. Ilagay ang baka. Palabasin ang katas ng baka sa loob ng 3 minuto. Ibuhos ang spaghetti sauce at catsup. Timplahan ng asin, paminta at asukal ng ayon sa panlasa. Pakuluin, Idagdag ang hotdog, Sa isang malaking bandehado, ilagay ang spaghetti noodles. Ibuhos sa ibabaw nito ang nilutong sauce. Budburan ng keso.

Sisig

MGA SANGKAP;

1 kilong pisngi ng baboy
2 tasang tubig
1 tasang pineapple juice
1 kutsaritang pamintang buo
6 pirasong atay ng manok
1 tasang sibuyas, hiniwa-hiwa
½ tasang sukang paombong
¼ tasang calamansi juice
5-6 siling labuyo (seeded and chopped)
asin, paminta

PARAAN;

Pakuluan ang pisngi ng baboy sa pineapple juice, tubig at pamintang buo hanggang sa ito'y lumambot. Hanguin at ilagay sa isang tabi upang lumamig. Alisin ang laman ng baboy mula sa pisngi. Tuhugin sa barbecue stick ang pisngi at atay ng manok. Ihawin sa ibabaw ng uling hanggang sa lumutong ang balat nito. Hiwa-hiwain ang inihaw na pisngi at atay at ilagay sa isang mangkok. Ilagay ang sibuyas at timplahan ng suka, calamansi juice, siling labuyo, asin at paminta.

Sinigang na hipon

Mga Sangkap:

20 hipon
6 gabi
2 kamatis
2 sampalok

Paraan;

Alisan ng sungot ang mga hipon, hugasan at asinan. Talupan ang gabi at maunang palambutin sa tubig sinaing na gagawing sabaw. Kapag malambot na ang gabi ay pagsamahing pakuluan ang kamatis at sampalok. Isunod na ihulog ang mga hipon. Durugin ang mga kamatis at sampalok at timplahan ang lasa ng sabaw na nag-aagaw ang asim at alat. Lutuin sa atay-atay na init ng apoy.

Sinangag

Mga Sangkap:

3 puswelong kanin
3 kutsarang langis na pamprito
¾ puswelong hiniwang sibuyas na mura
1 kutsaritang asin
1 kutsarang toyo
¼ kutsaritang dinikdik na paminta
1 ½ puswelong halabos na hipon, tinalupan at hiniwang pakudrado
1 itlog, binati

Paraan;

Initin ang langis sa kawali. Isunod ang kaning kinamas muna hanggang sa mamula. Haluing mabuti upang hindi magkaroon ng buo-buo. Idagdag ang sibuyas na mura, asin, paminta at hipon. Bayaang 1 minuto. Hukayin ang gitna ng niluluto at ibuhos dito ang binatina itlog. haluin hanggang sa dahan-dahang mamuo. Saka pa lamang ihalo sa kanin. Isunod ang toyo. Bayaang pang 1 minuto sa apoy.

Relyenong bangus

MGA SANGKAP;

1 bangus (mga 1kilo)
¼ tasang toyo
¼ tasang katas ng lemon o calamansi juice
½ tasang tubig
½ kutsaritang asin
2 kutsarang corn oil
2 ulo ng bawang, tinadtad
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
1 latang tomato sauce
½ tasang patatas, tinadtad
½ tasang carrots, tinadtad
1 maliit na lata ng gisantes
½ tasang pasas
¼ kutsaritang asin, pamintang durog
1 binating itlog
1 kutsarang tinunaw na mantikilya

PARAAN;

Sa pagbili pa lamang ng bangus sa palengke, sabihin sa tindera na hiwain at alisin ang laman ng bangus na pang relyeno. Dapat ihiwalay ang laman ng bangus sa balat nito. Mas madali kung ito'y babaligtarin mula sa ulo hanggang buntot. Ibabad ang balat sa toyo, katas ng lemon o calamansi juice at paminta. Ilagay sa isang tabi. Samantala, pakuluan ang laman ng bangus sa ¼ tasang tubig na may ½ kutsaritang asin. Palamigin at himayin ang tinik. Igisa ang bawang sa corn oil. Idagdag ang sibuyas at tomato sauce. Pakuluan ng 3-5 minuto. Idagdag ang patatas at carrots. Hinaan ang apoy hanggang maluto ang gulay. Idagdag ang gisantes, pasas at ang hinimay na laman ng bangus. Timplahan ng asin at paminta. Lutuin ng 5 minuto. Idagdag ang itlog at haluin maigi. Palamigin. Kunin ang balat ng bangus at maingat na palamanan ng nalutong sangkap. Tahiin ang bangus na gamit ang karayom at sinulid. Pahiran ito ng tinunaw na mantikilya. At ihurno ng 30-40 minuto o hanggang maluto. Maari ding iprito ito ng lubog sa kumukulong mantika

Pancit Sotanghon

MGA SANGKAP;

8 tasang tubig
¼ kilong baboy
¼ kilong pecho ng manok
1 tasang hipon
1 kutsaritang pamintang durog
5 ulo ng bawang, pinitpit
½ kilong sotanghon
1 katamtaman laking sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ kilong hipon
3 tasang repolyo
1 tasang carrots, hiniwa ng pahaba
¼ tasang oyster sauce
1/3 tasang
toyoasin, paminta

PARAAN;

Ibabad sa tubig ang sotanghon upang ito'y lumambot. Pakuluan ang baboy at manok sa tubig na tinimplahan ng bawang, paminta at asin. Pakuluan hanggang lumambot ang karne at hiwain ng maninipis na pahaba, Ilagay sa isang tabi. Sa isang malaking kawali, igisa ang bawang, sibuyas at idagdag ang baboy,manok at hipon. Timplahan ng paminta.idagdag ang repolyo at carrots. Huwag dagdagan ng tubig ilagay ang sotanghon. Ibuhos na ang pinagpakuluan ng baboy at manok at pakuluan hanggang maluto ang pansit. Timplahan ng oyster sauce at toyo. Ihain ng may kalamansi sa tabi.

Pancit Palabok

MGA SANGKAP;

1 kilong pansit bihon (pinakuluan sa tubig na may kaunting asin)
½ kilong giniling na baboy
1 malaking sibuyas, tinadtad
½ kilong hipon, inalis sa shell at hiniwa-hiwa (itabi ang shell ng hipon. Dikdikin ito gamit ang kutsilyo. Ilagay ito sa isang mangkok. Lagyan ng mainit na tubig upang lumabas ang katas ng hipon.)1 lata ng cream ng mushroom1 lata ng cream of chicken, achuete, patis

PALABOK;

Dinurog na chicharonTinustang bawang (tadtarin ang bawang bago igisa sa mantika hanggang pumula)Nilagang itlog, hiniwa-hiwa ng pahaba sa apat na bahagiDahon ng sibuyas, tinadtad calamansi

PARAAN;

Sa isang kawali, magpainit ng mantika. Ihalo ang achuete hanggang lumabas ang katas nito. Igisa ditto ang sibuyas. Idagdag ang baboy at halu-haluin hanggang sa ito'y maluto. Buhusan ng 1 tasang tubig. Pakuluin hanggang sa malapit ng matuyuan. Idagdag ang hipon at katas nito. Halu-haluin. Idagdag ang cream of mushroom at cream of chicken. Buhusan ng 4 tasa ng tubig. Timplahan ng patis. Sa isang malaking bandehado, ilagay ang nalutong pansit. Buhusan ng ginawang sauce. Palamutian ng palabok. Lagyan ng calamansi sa tabi bago ihain.

Pancit Guisado

Mga Sangkap:

1 kilong miki
½ puswelong laman ng nilagang manok, hinimay
½ puswelong halabos na hipon, walang balat
½ puswelong baboy, hiniwang maliliit at nilaga
½ puswelong hamon, hiniwang maliliitlemon, hiniwa
1 puswelong repolyo, hiniwang maliliit
3 kutsarang toyo
4 butil na bawang
1 sibuyas, ginayat
1 puswelong katas ng hipon
1 ½ puswelong sabaw ng manokasin at paminta

Paraan;

Iprito ng magkakahiwalay ang bawang, sibuyas, hipon, baboy, manok at hamon. Ilagay sa magkakabukod sa sisidlan upang gamitin sa pagpapalamuti sa pansit ang kalahati, at ang kalahati ay pagsama-samahin at timplahan ng toyo, asin, katas ng hipon at paminta. Pakuluang 5 minuto. Isunod ang repolyo, haluing mabuti at bayaan sa apoy hanggang sa halos ay matuyo. Balian ang mike ay isangag sa mantika. Isama rito ang mga sangkap. Kapag ihahain na ay ilagay sa ibabaw ang ibinukod na sahog. Lagyan ng hiniwang lemon.

Pancit Canton

MGA SANGKAP;

1 buong manok, (hiniwa ng pira-piraso at pinakuluan sa isang kaserolana mayroong tubig;isantabi ang pinagpakuluan nito.)
2 tangkay ng celery, pamintang buo
¼ kilong baboy,hiniwa ng maninipis na pahaba.
1 tasang hipon, binalatan
1 latang mushrooms
1 latang chestnut
½ ulo ng pechay o ½ ulo ng repolyo, hiniwa ng pahaba
1 pirasong carrot,hiniwa ng pabilog
¼ kilong tahong o scallops (pwedeng wala)
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
1 o 2 balot ng pansit canton, dahon ng sibuyas
1 lemon, hiniwa-hiwa (pwedeng wala)
toyo, patis, asin, pamintang durog, mantika.

PARAAN;

Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang manok at baboy. Lutuin hanggang sa pumula ang baboy at lumabas ang mantika nito. Idagdag ang kalahati ng sabaw ng pinakulong manok. Pakuluan ng 3 minuto. Idagdag ang asin, toyo at patis para lumasa. Lagyan ng pamintang durog. Pakuluan muli ng 3 minuto. Idagdag ang hipon, mushrooms, carrots at iba pang mga sangkap maliban sa pancit. Muling pakuluan ng 3 minuto. Idagdag ang natitirang sabaw ng manok. Timplahan ng naayon sa panlasa. Idagdag ang pansit. Haluin maigi hanggang maluto ang pansit. Palamutian ng dahon ng sibuyas. Kung nanaisin, maaaring dagdagan ng Chinese chorizo o squid balls ang pansit upang ito'y magkaroon ng ibang lasa.

Paksiw na Litson

MGA SANGKAP;

1 kilong lechon na baboy
1 latang liver spread
1 tasang suka
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang buo
4 na ulo ng bawang, pinitpit
1 kutsaritang betsin
½ tasang tuyo oregano
1 tasang tubig

PARAAN;

Ilagay sa kawali kasama ang lahat ng sangkap ang hiniwang lechon. Pakuluan. Hinaan ang apoy hanggang lumambot at lumapot ang sarsa.

Paella

MGA SANGKAP;

1 malaking manok, hiniwa ng katamtamang laki
1 tasang olive oil
¼ kilong chorizo de bilbao, hiniwa-hiwa
1 ulo ng bawang, pinitpit
2 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 maliit na lata ng tomato paste
1 kutsaritang paprika
3 tasang bigas
2 malaking alimasag, pinakuluan at hiniwa sa apat na bahagi
6 sugpo, pinakuluan
25 pirasong tahong, pinakuluan sa
7 tasang tubig
7 tasang tubig (pinagpakuluan ng tahong)
1 latang gisantas, sinala ang tubig
2 pirasong siling pula at berde hiniwa sa 8 bahagi
asin paminta betsin

PARAAN;
Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang sa natirang mantika. Idagdag ang sibuyas, chorizo de bilbao at manok. Ilagay ang tomato sauce, tomato paste, paprika siling pula at berde. At ang pinagpakuluan ng tahong. Idagdag ang bigas na parang sinaing. Hintaying maluto ang bigas at matuyuan ng bahagya. Ilagay ang sugpo, alimasag, tahong, at gisantes. Takpan at hintaying maluto sa mahinang apoy. Timplahan ng asin, paminta at betsin. Ihain habang mainit.

Okoy

Mga Sangkap:

½ kilong toge
1 puswelong hipong maliliit
1 itlog
3 tokwa, hiniwa ng pahaba
achuete, betsin

Paraan;

Tunawin ang cornstarch o arina sa kaunting tubig na may atsuete at batihing kasama ng itlog. timplahan ng kaunting asin. Banlian ang toge. Ilagay sa platito ang kaunting toge, ipaibabaw ang hipong binanlian at tokwa. Buhusan ng 3 kutsarang tinunaw na cornstarch o arina. Iprito ng lubog sa mantika. Ihain ng mainit, kasama ang sawsawang suka, pinitpit na bawang asin at paminta

Manok adobo sa gata

Mga Sangkap:

1 manok
1 kilong karne
5 ulong bawang
1 tasang suka
kaunting paminta
kapirasong dilaw gata ng isang niyog

Paraan;

Gayatin ang manok at karne ng mga dalawang dali ang laki. Ilalagay ang bawang at ihahalong mabuti sa manok at karne; ilagay ang suka, dilaw, at paminta. Isasalang ang manok at karne hanggang sa maluto. Kukudkurin ang niyog at gagayatin; ang isang tasang gata ay husto na. isasahog ang isang tasang gata at lutuin hanggang maglangis- langis ang gata.

Mungo

Mga Sangkap:

1 tasang monggo
1 platitong dahong mura ng ampalaya o amargoso
3 kamatis na hinog
2 butil na bawang
2 kutsarang mantika
katamtamang asin

Paraan;

Sa isang kaserola na may isa at kalahating basong tubig ay ilalaga ang monggo hanggang sa lumambot. Magisa ng bawang hanggang sa bumango, at saka lalahukan ng kaunting hipon upang sumarap ng kaunti. Sunod na ilalahok ang monggong malambot o luto na at liligising mabuti hanggang sa lumapot ang sabaw. Katapus-tapusan ay ilalahok ang dahon ng ampalaya o amargoso na binudburan ng kaunting asin, at huwag hahaluin, kundi kung luto na, sapagka't papait ang lasa.

Menudo

MGA SANGKAP;

½ kilong baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 tasang atay ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 kutsarang mantika
2 kutsaritang katas ng achuete
1 kutsaritang bawang, tinadtad
1/3 tasang sibuyas, tinadtad
½ tasang kamatis, tinadtad
2 kutsarang pasas (raisin)
2 katamtaman laking patatas, hiniwang tig-1/2 pulgada
2 kutsaritang asin, 1/8 kutsaritang paminta

PARAAN;

Ilagay ang achuete sa isang mangkok. Lagyan ng 1/3 tasang tubig at haluing maigi hanggang lumabas ang pula na achuete. Salain at itapon ang butyl ng achuete. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang baboy at lutuin hanggang lumambot ang baboy. Idagdag ang patatas at lagyan ng tubig. Idagdag ang atay kapag lumambot na ang patatas. Timplahan ng ayon sa panlasa.

Mechado

MGA SANGKAP;

1 kilong baka, hiniwa ng pira-piraso
4 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa-hiwa
2 patatas, hiniwa sa apat na bahagi
1 carrots, hiniwa ng pakuwadrado
2 kutsaritang lemon juice o calamansi juice
2 kutsaritang toyo
1 tasang tomato sauce
1 pirasong dahon ng laurel
asin, pamintang buo
mainit na tubigmantika

PARAAN;

Kapag bumili ng baka, piliin ang laman ng baka na may kaunting litid. Prituhin ang baka ng bahagya. Ilagay sa isang tabi. Sa natirang mantika, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang lemon o calamansi juice,toyo, paminta, tomato sauce, laurel at asin. Pakuluin sa mahinang apoy. Hintaying lumambot ang karne bago idagdag ang patatas at carrots. Maari ng ihain kapag naluto na ang patatas at carrots. Mas mainam na lutuin sa mahinang apoy ang baka upang lumabas ang katas nito para sumarap ang mechado.

Lumpia na may kamote

MGA SANGKAP;

1 tasang baboy, hiniwa ng maliliit
6 kutsaritang mantika na galling sa taba ng baboy
3 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, hiniwa-hiwa
½ tasang tokwa, hiniwa ng maliliit na kuwadrado
1 tasang hipon, binalatan
1 tasang sitaw, hiniwa ng tig-1 pulgada
1 tasang repolyo, ginayat
1 tasang kamote, hiniwa ng tig-1 pulgada kuwadrado
1 tangkay ng celery, tinadtad
20 lumpia wrapper, asin

PARAAN;Pakuluan ang baboy sa tubig sa isang kaldero hanggang lumabas ang mantika nito. Hanguin ang baboy at patuluin. Sa isang kawali, ilagay ang mantika na galling sa taba ng baboy. Igisa ang bawang, sibuyas at tokwa kasama ang baboy. Idagdag ang hipon, sitaw, repolyo, kamote at kaunting tubig. Timplahan ng asin at lutuin sa mahinang apoy.isantabi at palamigin. Palamutian ng celery sa ibabaw.

SARSA PARA SA LUMPIA;
6 kutsaritang cornstarch
1 tasang tubig
½ tasang toyo
½ tasang asukal na pula

PARAAN;

Ilagay sa isang maliit na kaserola ang mga sangkap. Palaputin ang sarsa sa pamamagitan ng paghalo nito sa mahinang apoy. Alisin sa kalan at palamigin bago ibuhos sa lumpia.

Lumpiang Sariwa

Mga Sangkap:

¼ na kilong karneng baboy
¼ na kilong hipon
2 pirasong tokwa
½ kilong repolyo
2 singkamas
20 balat ng lumpiya
1 sibuyas
1 kamatis
2 butil na bawang
2 puno ng letsugas

Paraan;

Gayatin ng maliliit ang repolyo at singkamas, hiwang panggisa naman ang gawin sa karneng baboy at tokwa. Balatan ang hipon. Dikdikin ang balat ng hipon at katasin sa ½ tasang tubig. Prituhin ang tokwa. Kapag mapula na'y itabi. Igisa sa pinagprituhan ang bawang, sibuyas, kamatis at isunod ang karneng baboy. Timplahan ng kaunting patis at tubig, pakuluan ng ilang sandali upang lumambot ang karneng baboy. Ihulog ang hipon at isunod ang katas nito. Haluin habang hindi pa kumukulo. Pagkulo'y ihulog ang repolyo at singkamas, hindi dapat na maging lutung-luto ang mga ito. Papulahin sa pamamagitan ng kaunting katas ng atsuwete. Hanguin kapag luto na palamigin bagi balutin sa balat ng lumpiya. Isama sa pagbabalot ang dahon ng letsugas.

Lumpian Shanghai

MGA SANGKAP;

1 tasang giniling na baboy
1 tasang hipon, binalatan at hiniwa ng manipis
½ tasang apulid (water chestnuts), tinadtad
2 dahon ng sibuyas, tinadtad
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang paminta
1 itlog1 kutsarang toyo
1 pakete ng lumpia wrapper, mantika (pamprito)

PARAAN;

Paghaluin ang baboy, hipon, apulid, dahon ng sibuyas, itlog at toyo. Timplahan ng asin at paminta. Maglagay ng 3 kutsarang ng pinaghalong sangkap sa lumpia wrapper at isarado sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa dulo ng lumpia wrapper. Prituhin at patuluin ang sobrang mantika. Ihain kasama ang sweet at sour sauce sa tabi.

Kalderetang Kambing

MGA SANGKAP;

2 Kilong laman ng kambing
1 tasang suka
1 tasang toyo
½ tasang mantika1
½ tasang tomato sauce
¼ tasang pineapple juice
1 tasang tubig
6 pirasong sibuyas,tinadtad
2 pirasong dahon ng laurel
2 kutsaritang pamintang durog
1 balot oregano
¾ tasang gin o whisky
2 lata ng liver spread
2 pirasong siling berde, hiniwang pahaba
2 pirasong siling pula, hiniwang pahaba
10 piraso olives
½ tasang pickle relish
3-4 piraso siling labuyo
½ keso, ginayat

PARAAN;

Sa isang bowl, ibabad ang laman ng kambing sa suka sa loob ng 30 minuto. Para maalis ang anggo. Lamasin ng mabuti at itapon ang suka. Ibabad uli ang kambing sa toyo, bawang at paminta sa loob na 1 oras. Salain at ilagay sa isang tabi ang pinagbabaran. Prituhin ng bahagya ang laman. Ilagay sa isang tabi. Sa isang kaldero, igisa ang sibuyas at ilagay ang kambing, ang pinagbabaran nito ay toyo. Ilagay ang tomato sauce, tubig,gin o whisky, pineapple juice, oregano at laurel. Pakuluin hanggang ang laman ay lumambot, idagdag ang liver spread, Siling pula at berde, olives, pickles, keso, paminta at siling labuyo. Timplahan ng asin ayon sa panlasa

Kalderetang Manok

MGA SANGKAP;

1 kilong manok, hiniwa ng katamtamang laki
1 lata ng liver spread
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 tasang corn oil
1 siling pula, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
2 chicken buillion cube na tinunaw sa 2 tasang mainit na tubig
½ tasang biskotso (bread crumbs)

PARAAN;

Bahagyang prituhin ang manok. Igisa ang bawang at sibuyas. Ibuhos ang sabaw ng buillion. Hayaang kumulo hanggang lumambot ang manok. Idagdag ang liver spread at tomato sauce. Isunod ang siling pula. Kapag naluto na ang lahat ng sangkap,lagyan ng biskotso at timplahan ng naaayon sa panlasa.ihain habang mainit.

Sunday, May 4, 2008

Kare Kare

MGA SANGKAP;

1 buntot ng baka (mga1 o ½ kilo), hiniwa ng tig-3 pulgada
5 kutsaritang mantika
5 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang katas ng achuete
1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba
2 tali ng sitaw, hiniwa ng tig-2 pulgada
4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada
½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino (optional)
½ tasang peanut butter, asin ,paminta, betsin

PARAAN;

Palambutin ang buntot ng baka. Hanguin mula sa tubig at prituhin ng bahagya sa mantika. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.Idagdag ang katas ng achuete. Igisa hanggang lumabas ang mantika ng buntot ng baka. Idagdag ang gulay at kaunting tubig upang magkasarsa. Idagdag ang pinulbos na bigas at peanut butter na tinunaw sa 3/4 tasang tubig. Timplahan ng asin,paminta at betsin.ihain ng may kasamang bagoong alamang.

Ginisang Ampalaya

Mga Sangkap:

½ kilong ampalaya
¼ na kilong hipon, tinalupan
¼ na kilong baboy
1 sibuyas
2 butil na bawang
8 kamatis na hinog
2 itlog
3 kutsarang mantika
1 puswelong katas ng hipon (ulong dinikdik)

Paraan;

Hiwain ang ampalaya sa karaniwang maninipis na pahilis matapos biyaking paayon at alisan ng buto. Talupan ang hipon. Hiwaing maliliit ang baboy. Ihaw ang kamatis at alisan ng balat at buto at tadtarin. Batihin ang itlog. igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa isang kawali o kaserola. Isunod ang baboy at hipon at ang katas ng hipon. Pakuluan hanggang sa lumambot ang baboy. Isunod ang ampalaya at bayaang kumulo. Timplahan ng patis. Kapag luto na ang ampalaya ay ilagay ang itlog na binati. Saka lamang haluin at ihaing mainit.

Embutido

MGA SANGKAP;

1 kilong giniling na baboy
½ tasang bread crumps, ibinabad sa ¼ tasang gatas
1 chorizo de bilbao ( o pepperoni-mabibili sa supermarket)hiniwa ng pino.
2 itlog,binate
¼ tasang sweet pickle relish
¼ kutsaritang pamintang durog
1 maliliit na sibuyas, hiniwa ng pino
2 kutsaritang asin
2 kutsarang pasas
2 nilagang itlog, hiniwa sa apat na piraso
2 kutsarang nilusaw na mantikilya

PARAAN;

Initin ang hurnuhan (oven) hanggang 350 degrees Fahrenheit. Maliban sa itlog at mantikilya, haluin ang lahat ng sangkap sa isang mangkok. Pahiran ng mantikilya ang isang malaking aluminum foil. Ilatag ang pinaghalong mga sangkap ng kalahating pulgada. Ilatag ng pahalang ang itlog sa gitna. Maingat na irolyo ang foil at panatilihing nasa gitna ang mga itlog. Siguraduhing nakasarang maayos ang foil.ihurnu ang embutido sa loob ng 1 ½ oras. Pagkaluto, palamigin muna ng 15 minuto. Maingat na alisin ang foil at hiwain ng tig-1/4 pulgada ang embutido. Maaring lagyan ng tomato o banana catsup o cheese spread ang embutido.

Dinuguan

Mga Sangkap:
½ librang karneng may taba
3 butil na bawang
2 tasang dugo ng baboy,
suka, asin,at dahon ng kintsay

Paraan;

iluluto ang karne sa kaunting tubig hanggang sa magmantika. Pababanguhin ang tatlong butil na bawang na pinitpit at pag mapula na ay sasabawan ng ilang tasang tubig. Pag malapit ng kumulo ay isasahog ang dugo ng baboy. Paglambot ng karne at titimplahan ng asin, lalagyan ng suka at mga dahon ng kintsay, paglambot ng karne ay alisin na sa apoy at luto na.

Crispy Pata

MGA SANGKAP;

1 pata ng baboy
1 bote 7-up or sprite
1 ½ tasang tubig
1 kutsarang asin
½ kutsaritang baking soda
1 kutsaritang betsin
2 kutsarang patis
2 kutsarang arinamantika

PARAAN;

Hugasan maigi ang pata ng baboy at ilagay sa isang kalderong puno ng tubig. Takpan ito ng mahigpit. Lagyan ng tubig, 7-up at asinPakuluin ng 15 minuto. Dagdagan ng baking soda. Ang baking soda ay ang magpapalambot ng balat ng pata. Ipagpatuloy ang paglaga.Kapag natutuyuan ang pata, dagdagan ito ng tubig. Mas mabuti kung hindi masyado lumambot ang pata. Hanguin at patuluin ng 1 araw or ilagay sa refrigerator magdamag upang matuyuan ang balat ng pata. Bago iprito, pahiran ng patis at wisikan ng arina ang pata. Iprito ng lubog sa mantika hanggang mamula ang pata. Patayin ang apoy at maingat na buhusan ng ¼ tasa ng tubig ang lutong pata. Sa ganitong paraan,mas magiging malutong ang balat ng pata,ihaing kasama ang sawsawan.

SAWSAWAN PARA SA CRISPY PATA

MGA SANGKAP;

Suka2 ulo ng bawang
asin
paminta
siling labuyo

PARAAN;

Maghalo ng suka, 2 ulo ng bawang, kaunting asin, paminta at 1 maliit na siling labuyo.

Bibingka

Mga Sangkap:

1 tasang makapuno
1 tasang sariwang kamoteng kahoy, ginadgad
3 itlog
4 na kutsarang ginadgad na keso
½ tasang gata ng niyog
3 kutsarang tinunaw na mantikilya
½ tasang asukal

Paraan;

Batihin ang mga itlog. ihalo ang asukal, tinunaw na mantikilya at kamoteng kahoy. Isalin ang gata ng niyog sa makapuno saka ihalo ang pinagsama-samang mga sangkap. Isalin sa pan na may saping dahong saging. Ihurno sa mainit na pugon. Kung malasado na, sipilyuhin ng pula ng itlog ang ibabaw at budburan ng keso.

Barbeque Pinoy Style

MGA SANGKAP;

½ kilong baboy, hiniwa ng pababa
¼ tasang toyo
5 ulo ng bawang
2 kutsarang sukang puti
2 kutsarang asukal na pula
¼ tasang tomato catsu

PARAAN;

Ibabad ang baboy sa toyo,bawang, suka at asukal. Ilagay sa isang tabi nang magdamag. Painitin ang ihawan. Tusukin ng barbecue stick ang baboy. Ihawin ang baboy. Pahiran ito ng pinagbabaran ng baboy na nilagyan ng catsup. Ihain habang mainit. Ang barbecue ay maaaring ulamin sa kanin o papakin. Maari ding gamitin ang molasses kaysa sa asukal upang magkaroon ng ibang lasa ang babecue.

Bagoong Alamang

MGA SANGKAP;

1 tasang alamang
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 maliit na sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na kamatis, hiniwa-hiwa

PARAAN;

Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Idagdag ang alamang. Igisa hanggang maluto ang alamang. Kung nanaisin, maaaring lagyan ng kaunting asukal upang tumamis at maging malinamnam ang bagoong.

Asado (Macao Style)

MGA SANGKAP;

1 kilong pork chop or sparerib
2 kutsarang toyo
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang durog
1 tasang tubig
½ dahon ng laurel
5 ulo ng bawang, pinitpit
10 pirasong star anis
4-5 pirasong tuyong mushrooms (tengang daga)
1 kutsaritang betsin
½ tasang pinalutong kasoy

PARAAN;

Sa isang kaserola, pagsamahin lahat ng sangkap, maliban sa kasoy, at pakuluan ditto ang karne. Dagdagan ng tubig kapag natuyuan ang karne upang ito'y hindi masunog. Pakuluan ito sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sarsa. Ibudbod ang kasoy kapag ihahain na. Palamutian ng dahon ng sibuyas na hiniwa ng tig-2 pulgada.

Atsara

MGA SANGKAP;

1 tasang hilaw na papaya (kulay berde)
¾ tasang suka¾ tasang asukal
¾ kutsarang asin
4 ulo ng bawang, hiniwa ng manipis
1 luya, hiniwa ng manipis na parang posporo
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
1 tasang carrots, tinadtad
1 siling berde (pansigang) hiniwa ng manipis at pahaba
1 siling pula, hiniwa ng manipis at pahaba.

PARAAN;

Hugasan, gayatin at pigaan ng 4-5 beses hanggang matuyo ang papaya. Pakuluan ang suka, asukal at asin sa isang maliit na kaserola. Idagdag ang bawang,luya at sibuyas. Pakuluan ng bahagya ang papaya. Ilagay ang carrots at mga sili. Pakuluan muli habang hinahalo ang mga pinagsamang sangkap. Alisin sa kaserola at iimbak sa isang malinis na garapon.

Afritada

MGA SANGKAP;

1 kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
½ kilong kasim ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 kilong hinog na kamatis
4 pirasong patatas, hiniwa ng pakuwadrado
2 pirasong sibuyas1 ulo ng bawang
2 pirasong siling pula, hiniwa ng pahaba
2 pirasong siling berde, hiniwa ng pahaba
2 dahon ng laurel
3 kutsarang sukaasin, paminta

PARAAN;

Iprito ang kasim at manok hanggang mamula ng bahagya. Ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Durugin ng maigi ang kamatis. Ilagay ang kasim, laurel at suka. Pakuluin hanggang lumambot ang kasim, idagdag ang manok at patatas. Ihuling idagdag ang siling pula at berde. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Adobong Manok

Mga Sangkap:
½ manok
½ basong suka, at kung wala ay kahit ikaapat na bahagi ng isang tasang pamigang dayap o kalamansi o kalamunding
½ librang karne10 butil na bawang
½ kutsarang tinunaw na atswete, at kaunting rekado

Paraan;
Sa isang basong tubig ay lulutuing lahat ang magkakahalong ito at pabayaang mapiga ang tubig sa pagkasigang hanggang walang matira kundi malapot na salsa ng mantika.

Sample

Sample

Soundtracks - Disney - Lion King - The Lion Sleeps Tonight - Paul Simon.mp3 -